Isang booklet na binuo ng iyong mga kaibigan mula sa HFI, layon ng Labanan ang COVID-19 (Second Edition) ang makapagbigay ng mga napapanahong payo at gabay mahigit isang taon mula nang magsimula ang pandemya na dulot ng COVID-19.
Balikan ang mga paalalang handog ng HFI sa bawat pamilyang Pilipino, at muling ihanda ang sarili sa mga bagong kaalaman na makakatulong sa kaligtasan ng iyong pamilya mula sa COVID-19 at mga variant nito!
Alamin ang SIYAM na BAGAY na dapat nating tandaan upang maiwasan ang pagkakasakit at pagkalat ng COVID-19!
Muli, matututunan mula sa Labanan ang COVID-19 (Second Edition) ang mga praktikal na gabay upang mapanatiling ligtas ang sarili at buong pamilya mula sa COVID-19 at mga variant nito.
Ang booklet ay nahahati sa SIYAM na BAHAGI na tumatalakay sa SIYAM na BAGAY na susi sa proteksyon ng bawat isa at bawat pamilya ngayong pandemya:
- Pagpapabakuna (BAGONG Bahagi sa booklet!)
- Pananatili sa Bahay
- Pagsusuot ng Face Mask at Face Shield
- Paghuhugas ng Kamay ng 20 Segundo
- Pag-ubo at Pagbahing sa Tamang Paraan
- Pagsunod sa Physical Distancing
- Pag-iwas sa Paghawak ng Mukha
- Pag-disinfect ng mga Kagamitan at Kapaligiran
- Pagpapalakas ng Resistensya ng Katawan