NARITO NA!
Ang COVID-19 Home Care Guide Na Gagabay
Kung May Mag-COVID Positive Sa Bahay
(Para Sa Nais Ng Holistic Na Paraan Ng Pag-aalaga)

Binuo ng grupo ni Dr. Jaime “Doc Jimmy”
Galvez Tan at iyong mga kaibigan sa HFI!

Tuklasin kung ano ang Apat na “M” (4M) na
magsisilbing gabay kung ano ang iyong dapat
gawin kung may magka-COVID sa iyong bahay.
Ibabahagi namin ang sunod-sunod na hakbang
sa kinakaharap mong pagsubok. Ito’y
makatutulong magbigay linaw kung ika’y nasa
tamang direksyon ng pagbabantay sa iyong
karamdaman.

Matututunan mo ang mga praktikal na gabay na gamit ng
mga healthcare workers sa komunidad:

  • Mga senyales ng panganib kung kailangan mo nang
    sumugod sa ER ng ospital
  • Mga maaaring tawagan sa pag-abiso at pagkonsulta ng iyong kalagayan, o kung kailangan humingi ng tulong sa paglipat ng ospital
  • Anong kaso ng COVID-19 ang maaaring alagaan sa
    bahay
  • Mga dapat gawin kung walang nakabukod na
    kwarto para sa may COVID-19
  • Paano magbasa ng pulse oximeter kahit ngayon ka
    pa lang gagamit nito upang mabantayan ang antas
    ng iyong oxygen
  • Holistic na paraan sa pag-alaga ng mga sintomas
    tulad ng ubo, lagnat, masakit or makating
    lalamunan, sipon o baradong ilong, pananakit ng
    ulo, pagkahapo o pagkapagod, pananakit ng
    katawan, at matinding antok, pagtatae, walang
    panlasa, kapos o hirap sa paghinga
  • Paano mapapagaan ang bigat ng iyong puso at
    isipan sa gitna ng pandemya (bawas panic at
    stress!)
  • Mga dapat gawin ng iyong ibang kasama sa bahay
  • Mga hakbang sa pagtatapos ng iyong pagbubukod o pag-isolate

HINDI LANG IYAN, HETO PA…
Mga payo ni Doc Jimmy para sa mga tao na
may COVID-19 o mga kahawig na sintomas:

  • Wastong pananaw para sa sariling kalusugan
  • Bakit kailangan matulog sa madilim na lugar
  • Mainam at abot-kayang paraan para patibayin
    ang iyong resistensya (kayang-kaya mo ito!)

May kasamang COVID-19 Home Isolation Diary na makatutulong sa pag-monitor ng may sakit!

ABOT KAMAY MO NA ANG MAGBIBIGAY LIWANAG SA IYONG MGA KATANUNGAN

Kung ika’y di makatulog, nababahala, o nalilito dahil hindi mo alam ang dapat gawin kung makapasok ang COVID-19 sa iyong bahay sa kabila ng pag-iingat, ang COVID-19 Home Care Guide ang tutulong sa iyo na harapin ito sa simple at madaling sundin na mga gabay gamit ang 4M at mga payo ni Doc Jimmy.

Kung nais mong malaman kung ano ang 4M, i-download mo na ang gabay na ito ngayon din.